𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠

Isinagawa ang isang tree planting activity sa bayan ng Mangatarem bilang pakikisama at suporta rin na mapangalagaan ang kalikasan.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Parole and Probation Office No.1 at ng lokal na pamahalaan.

Sa pagsasagawa ng tanggapan ng ganitong klaseng aktibidad ay patuloy na naisusulong ang layon sa probinsya ng Pangasinan na mapangalagaan ang kalikasan at matulungan rin ang mga dating sangkot sa iligal na gawain upang magbalik loob at magbagong buhay.

Isa rin ito sa pagbibigay pansin ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem sa kalikasan at community rehabilitation ng mga parolees at probationers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments