𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡

Cauayan City – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ngayong araw ika-25 ng Hunyo sa Brgy. Cansan, Cabagan, Isabela.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Office of the Civil Defense Region 2 kasama ang Department of Environment and Natural Resources Region 2 kung saan ito ay isinagawa bilang pagdiriwang sa Arbor Day sa naturang bayan.

Umabot sa 250 forest at fruit bearing tree seedlings ang naitanim sa naturang lugar ngayong araw.


Samantala, nakibahagi rin sa programa ang mga kawani ng Community Environment and Natural Resources Office ng bayan ng Cabagan, mga opisyal ng barangay Cansan, at mga indibidwal na kabilang sa iba pang sektor sa bayan ng Cabagan.

Facebook Comments