Balak muling umapela ng grupong Central Tricycle Organization of Dagupan City sa Jovellanos Tricycle Operators And Drivers Associations (TODA) ukol sa inihirit na fare matrix.
Ayon kay Bernardo Abulencia, Presidente ng Central Tricycle Organization of Dagupan City, Jovellanos TODA, balak umano nilang iapela muli ang pagbabago sa kanilang fare matrix dahil nararamdaman na rin umano nila ang taas presyo sa ibang mga bilihin at pangangailangan tulad na lamang sa pagtaas sa presyo ng krudo.
Hiling ng mga ito ang tatlong pisong dagdag pasahe sa kada dalawang kilometro.
Malinis na nauuwi umano nilang kita ay nasa 300 pesos kada araw kaya naman sana ay mapagbigyan sila sa kahilingan na dagdag pasahe upang maibsan kahit papaano ang kanilang gastusin.
Aniya, hindi din umano sila nakakatanggap pa ng fuel subsidy sa gobyerno kahit naman nagpasa na sila ng kinakailangang dokumento. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨