
Cauayan City – Isang Street Level Individual (SLI) Ang naaresto ng kapulisan ng Cauayan City sa isinagawang Buy-Bust Operation SA Dacanay Street, Brgy. Cabaruan.
β
βKinilala ang suspek bilang si Alyas “Narsing”, isang tricycle driver, at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na barangay.
β
βSa ulat ng PNP Cauayan, nadakip ang suspek matapos nitong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
β
βNakuha mula sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P1,020; isang cellphone; at Buy-bust money na nagkakahalaga ng P1,000.
β
βAng suspek ay dinala sa himpilan ng Pulisya para sa ddokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag
sa RA N9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.









