Isang tricycle driver sa Alaminos City ang hinahangaan ngayon dahil sa pagsasauli nito ng naiwan na wallet na naglalaman ng libo-libong pera ng kanyang pasahero.
Bagamat maliit lamang ang kita sa pamamasada ni Joselito Del Rosario Sr., hindi niya pinag interesan ang wallet na naiwan sa kanyang tricycle.
Agad niya itong itinurn over sa POSO Alaminos City upang maibalik sa kaniyang babaeng pasahero noong araw na iyon.
Naglalaman ito ng 9, 750 pesos.
Labis naman ang pasasalamat ng may-ari ng wallet na inilaan ang pera para sa gastusin sa araw-araw.
Itinuturing ngayon na good samaritan si Del Rosario at naging inspirasyon sa iba pang residente dahil sa ginawa nitong kabutihan at katapatan. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments