𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗟𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗞𝗜𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜

Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang 39 anyos na lalaki sa Brgy. Quibaol Pangasinan matapos itong magbigti.

Ayon sa pulisya, nagtungo sa likod bahay ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae ngunit dito na tumambad ang katawan ng biktima na nakasabit sa isang puno.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na dumadaan sa depresyon ang biktima matapos ang walang paalam na pagsasangla ng dalawang motorsiklo ng kaniyang kapatid dahil sa pagsusugal.

Narekober ang suicidal note ng biktima sa pinangyarihan ng insidente. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments