𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗟𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢

Hinahangaan ngayon ang kabutihang loob ng isang tricycle driver na si Rolan Orpenada nang mag sauli ng naiwan na wallet ng kanyang pasahero sa tricycle nito sa Dagupan City.

Maliban sa mga IDs at mahalagang dokumento may lamang pera ang pitaka na kalaunay naiusali kay IFM Dagupan Station Manager Idol Mark Espinosa.

Kuwento ni Orpenada, nakita niya ang wallet nang ayusin ang kaniyang tricycle upang ihanda muli sa pamamasada.

Sinubukang niyang puntahan si Idol Mark kung saan Niya ito ibinaba ngunit hindi Niya ito doon nadatnan.

Dahil dito, hinanap na lamang niya ang contact details sa pitaka upang matawagan at ma-i-sauli.

Hindi na umano bago para sa kaniya ang ganitong mga pagkakataon dahil madalas umanong may mga pasaherong nakaiwan ng kanilang gamit na agad nitong sinasauli.

Bagamat umaabot lamang sa 300-500 ang arawang kita ng mga tricycle driver sa lungsod, hindi ito nagdalawang isip na ibalik ang pitaka sa nagmamay-ari.

Ibinahagi naman ni Espinosa ang katapatan at paghanga nito sa tricycle driver sa social media na umani ng papuri.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments