Tuesday, February 24, 2026

𝗧π—₯π—œπ—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜ 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜π—₯, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔 π—₯𝗒𝗫𝗔𝗦

Cauayan City β€” Nauwi sa pagkakaaresto ang isang tricycle driver matapos magpositibo sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas β€œRigor,” 44 anyos, residente ng Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta sa pagkakasamsam ng buy-bust item na isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 1 gram, at karagdagang 12 sachet na may timbang na tinatayang 4 grams.

Tinatayang aabot sa mahigit P34,000 ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na droga. Maliban dito, narekober din ang boodle money, iba’t ibang halaga ng salapi kabilang ang US dollar, dalawang cellphone, isang tricycle, at ilang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Roxas MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments