𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 𝗪𝗜𝗣𝗛𝗔, 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗧𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝟲 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗧𝗛𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗗

Cauayan City – Anim ang nasawi at higit sa 230,000 katao ang naapektuhan sa Thailand dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng tropical storm Wipha, na dating kilala bilang ‘Crising’, ayon sa ulat ng mga opisyal ng disaster management ng bansa.

Mula July 21, patuloy ang pagbuhos ng malalakas na ulan sa 12 lalawigan, partikular sa hilaga at gitnang bahagi ng bansa.

Ayon sa department of disaster prevention and mitigation ng thailand, binabantayan nila ang epekto ng bagyong wipha at patuloy ang koordinasyon sa mga apektadong probinsya upang matulungan ang mga nangangailangan.

Sa mga larawang kumakalat sa social media, makikitang nilamon ng baha ang ilang lugar, may mga sandbag na inilagay sa labas ng mga bahay, at ginagamit ng mga residente ang mga plastik na bangka upang makatawid sa lubog na mga kalsada.

Bagamat inaasahan ng thai meteorological department na hihina na ang ulan sa mga susunod na araw, patuloy pa rin ang pagbabantay sa mga posibleng panganib.

Matatandaang noong 2011, nakaranas ng malawakang pagbaha ang thailand na ikinasawi ng higit 500 katao at sumira sa milyun-milyong kabahayan.

Facebook Comments