𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡

Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang isang 47 anyos na lalaki matapos itong saksakin ng kaniyang kainuman sa Brgy. Balingueo Sta. Barbara Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Erick Padilla, drayber ng truck at residente sa nasabing barangay habang ang suspek ay kinilalang si Ricky Cuison, 54 anyos, residente ng Brgy. Bolaoit Malasiqui.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago maganap ang insidente, 12:40 ng madaling araw ay nag-inuman pa ang biktima at suspek kasama ang kanilang mga kaibigan nang magtalo umano ang mga ito.

Matapos ang pagtatalo umuwi ang biktima sa kanilang bahay ngunit hindi niya alam na sinundan siya ng suspek sa kanilang tahanan. Dito na sinaksak ng suspek ang biktima habang nakahiga.

Dahil dito, nagtamo ng sugat si Padilla sa kaniyang likod na agad namang naisugod sa ospital.

Naaresto naman ng pulisya ang suspek na nasa kustodiya ng Sta. Barbara PNP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments