CAUAYAN CITY – Idinaos nina Vice President Kamala Harris at dating Pangulong Donald Trump ng magkatunggaling rally sa Milwaukee, Wisconsin bilang huling hakbang para makuha ang mga boto sa mahalagang swing state.
Layon ni Harris na palakasin ang boto ng mga Demokratiko sa Milwaukee, lalo na ang mga Black voters, habang tutok naman si Trump sa pagkuha ng suporta sa mga konserbatibong lugar sa paligid ng lungsod.
Nagbigay pa ng mensahe si Harris sa mga manggagawa sa Janesville, kung saan kinuwestiyon niya ang record ni Trump.
Si Trump naman ay nakipagkita sa mga tagasuporta sa Detroit upang mas lumapit sa mga botanteng manggagawa.
Ilan pang mga sikat na personalidad tulad ni Cardi B ang sumama sa rally ni Harris upang humikayat ng mga botante, habang ginanap ang rally ni Trump sa lugar na pinagdausan ng Republican National Convention.
Samantala, ang resulta ng halalan sa Wisconsin ay inaasahang magiging dikit muli, kaya’t tinututukan ng dalawang kampo ang pagpapataas ng turnout sa Araw ng Halalan.