𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗡𝗔 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗚𝗥𝗜𝗣𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗘

Ilang residente ng Binmaley ang nagulat at nangamba matapos magkulay kape ang tubig na lumalabas sa kanilang gripo.

Ayon sa ilang residente, napakarumi at mayroong buhangin ang tubig na lumabas sa kanilang gripo.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng Pamana Water – Binmaley, naglagay na ito ng color treatment sa bahagi ng Gayaman ngunit nagkaroon lamang umano ng malfunction sa kanilang treatment system at siyang agad namang naresolba.

Sa ngayon, Balik normal at malinaw na ang kalidad ng tubig na dumadaloy sa kanilang water system habang nagpapatuloy ang kanilang flushing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments