Pinaplano na ang pagrepair sa tulay na nakitaan ng mga bitak na nagdurugtong sa Tarlac at Pangasinan.
Ang naturang tulay sa bahagi ng San Clemente, Tarlac, at Mangatarem ay nakasara pa rin para sa mga heavy vehicles upang masigurong walang matinding pinsala ang maidulot nito.
Dahil dito, umiikot pa ng Rosales ang mga papasok o lalabas ng Pangasinan, na siya namang dinadaing ng ilan dahil sa halos tatlong oras na dagdag sa byahe nila.
Samantala, regular naman ang pagbabantay at inspeksyon ng awtoridad sa nasabing tulay, upang masiguro ang kaligtasan ng mga napapadaan doon.
Ayon naman sa Bridge Inspector ng DPWH Tarlac, kalumaan ang tinuturong dahilan kung bakit nagkaroon ng crack ang tulay. Kaya naman, dumudulog ngayon ang DPWH Tarlac sa Central Office ng nasa 80-100 milyong piso para sa agarang pagsasaayos ng nasabing tulay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨