𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗢𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Hatid sa mga solo parents sa Dagupan City ang livelihood program mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod katuwang ang tanggapan ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Nasa tatlumpung o 30 solo parents ang benepisyaryo ng mga stalls dagdag pa ang financial assistance na kanilang magagamit sa pag umpisa ng kanilang negosyo.
Nakatakdang mag operate ang mga food stalls na ito sa Bonuan Tondaligan Beach bilang isa ito sa pinaka dinadagsa ng mga Dagupeño maging mga turista at bisita.

Samantala, layon ng nasabing tulong pangkabuhayan na makatulong sa mga solo parents upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang binubuhay ng mga anak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments