𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Ipinamahagi at ipinagkaloob sa nasa mahigit kumulang isang daang benepisyaryo sa bayan ng Lingayen ang tulong pangkabuhayan mula sa tanggapan ng Department of Labor and Employment bilang pagdaos rin sa Labor Day nitong May 1, 2023.

Katuwang ang Lokal na pamahalaan ng naturang bayan, ipinamahagi sa ilalim DOLE Integrated Livelihood Program ng ang tulong pangkabuhayan na ito sa mga piling benepisyaryong residente.

Naglalayon ang pamamahagi ng pangkabuhayan na ito na makapagbigay ng mapagkakatian ang mga residente at hindi sa pansamantalang pamamaraan kung hindi sa pang mas matagalan.

Nasa dalawampung negosyo sa kariton ang ibinahagi sa mga ambulant vendors, apatnapu’t dalawang miyembro naman ang pinamahagian ng calamay-making starter kits, at apatnapu’t isang naman ang nakatanggap ng kakanin-making starter kits. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments