π—§π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—‘π—”π—”π—£π—˜π—žπ—§π—¨π—›π—”π—‘ π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’, π——π—¨π— π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—•π—”π—§π—”π—‘π—˜π—¦

Cauayan City – Dumating na sa lalawigan ng Batanes ang mga Family Food Packs (FFP)na ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa mga nasalanta ng bagyong Leon.

Ligtas na naihatid ng BRP Gabriela Silang – Philippine Coast Guard ang mga FFP’s sa pantalan ng Basco kahapon, ikatlong araw ng Nobyembre.

Tinatayang nasa 5,500 na family food packs ang sakay ng barko, paunang tulong mula sa 14,000 na food packs na ipinangako ng DSWD na siyang ipamamahagi sa mga residente ng Batanes na lubhang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo.


Samantala, bayanihan naman ang ginawang pagbababa ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes kasama ang mga LGU’s at Uniformed Personnels sa mga Family Food Packs upang agad ring maipamahagi sa mga residente.

Facebook Comments