Hatid sa mahigit isang libong kwalipikadong residente ng mga bayan ng Mangaldan at San Fabian ang financial assistance sa ilalim ng programang TUPAD.
Nasa 382 na mga magsasaka mula sa Mangaldan habang 760 naman na kinabibilangan ng mga Person with Disabilities o PWDs ang benepisyaryo ng nasabing programa.
Tinapos ng mga ito ang cash for work community services sa loob ng sampung araw at bilang kapalit ay ang payout ng TUPAD.
Ito ay sa naging pangunguna ng tanggapan ni 4th District Representative Cong. De Venecia katuwang ang DOLE at lokal na pamahalaan ng Mangaldan at San Fabian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments