Cauayan City – Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga nasalanta ng Super Typhoon “Pepito” sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya.
Tinatayang nasa higit 500 ang nabiktima ng Super Typhoon Pepito kung saan tumanggap ng P5,000 ang mga pamilyang benepisyaryo ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations ng DSWD.
Maliban dito, karagdagang P50 million naman ang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya mula sa Office of the President.
Maliban sa pagbisita upang magpapaabot ng tulong pinansyal, sinuri rin ni PBBM ang ilang lugar sa lalawigan na lubhang naapektuhan ng naranasang sakuna.
Facebook Comments