𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜𝗡𝗢, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞𝗔𝗡

Binigyang katiyakan ng Provincial government ng Pangasinan na tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan na apektado ng El nino.

Ayon sa kasalukuyang tala ng Provincial Agriculture Office, nasa higit PHP 78 million ang kabuuang production loss sa palay dahil sa tagtuyot kung saan bayan ng Mangatarem ang may pinakamalaking pinsala na aabot sa higit limang milyong piso.

Tinatayang nasa higit PHP 14 million ang naging halaga ng pinsala sa mais kung saan bayan ng Natividad ang may pinakamatinding pinsala.

Nakapagtala naman sa sektor ng palaisdaan ng nasa higit PHP 800,000 na halaga ng production loss kung saan nabibilang dito ang produksyon sa bangus, tilapia, at white shrimp.

Sinisiguro ng provincial government na tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga nasa sektor ng agrikultura at pangisdaan tulad ng pamamahagi ng farm inputs, mga butong pananim, at mga bagong teknolohiya at makinaryang makakatulong na maibsan ang hirap sa pagsasaka at pangingisda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments