𝗧𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗧-𝗔𝗡𝗗-𝗥𝗨𝗡 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗚𝗜𝗦 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡!

 

CAUAYAN CITY- Humihingi ng kooperasyon at tulong ang pamunuan ng Echague Police Station sa publiko para sa mabilisang pagkakaaresto ng pinaghahanap na suspek.

 

Matatandaang tumakas ang suspek na si Francisco Dela Cruz matapos mabangga ng sinasakyang kotse nito ang isang motorsiklo na lulan ang apat na katao na nagresulta sa pagkasawi ng isang bata noong ika-17 ng Pebrero sa Brgy. Pangal Norte, Echague, Isabela.

 

Makalipas ang dalawang araw ay natunton ng mga otoridad ang kotse na ginamit ng suspek sa nangyaring aksidente.


 

Ayon kay Chief of Police PMaj. Rogelio Natividad, hinihikayat nito ang publiko na makipagtulungan at ipagbigay-alam sa kanilang himpilan ang maaaring kinaroroonan ng suspek upang mabigyang hustisya ang pamilya ng biktima.

 

Sa kasalukuyan, nailabas na ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property with abandonment.

Facebook Comments