𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗧 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗘𝗦

Cauayan City – Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga pamilyang nangangailangan sa lungsod ng Cauayan.

Nito lamang nakaraang buwan ng Mayo, umabot sa 22,000 ang bilang ng pamilyang nakatanggap ng cash assistance.

P2,000 piso ang natanggap ng bawat isa kung saan ang pondong ginamit para sa pamamahagi ay nanggaling kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.


Pinangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang City Social Welfare Office ang pamamahagi ng pinansyal ng tulong sa Isabela State University Gymnasium.

Samantala, ipinakita naman ng mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor Jaycee Dy kasama ang mga City Officials, Board Member Arco Meris, at DOJ Undersecretary Frederick A. Vida ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pagdalo sa programa.

Facebook Comments