Saturday, January 24, 2026

𝗧𝗪𝗢-𝗗𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗘-𝗪𝗜𝗗𝗘 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥’𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isasagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang province-wide voter’s registration sa darating na April 26 at 27 sa Urdaneta City.

Bukas ito sa lahat ng anim na distrito ng Pangasinan na kinabibilangan ng nasasakupang mga munisipalidad at lungsod.

Sa April 26, mula alas diyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon, i-aaccomodate ng tanggapan ang mga bayan sa ilalim ng ikalima at ika-anim na distrito o mga bayan ng Alcala, Bautista, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, Sto. Tomas, Sison, Villasis, Urdaneta City, Asingan Balungao, Natividad, Tayug, Rosales, San Nicolas, San Manuel, San Quintin, Sta. Maria at Umingan.

Sa darating naman na April 27, mula alas nuwebe trenta ng hanggang alas singko, maaaring makapagparehistro ang mga residente mula sa Districts 1, 2, 3 at 4.

Bahagi ito ng Special Register Anywhere Program na may layong hikayatin ang mga residente na magparehistro at magamit ang karapatang bumoto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments