Bilang bahagi ng Tourism Month, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Binalonan ang isang Song writing Competition.
Daan ito upang mas maipakita ang turismo ng bayan sa pamamagitan ng pagsulat ng kanta.
Ang magwawagi ay tatanggap ng 20,000 pesos at gagamitin ang kanilang naisulat sa Promotional tourism video ng bayan.
Magtatagal ang pagsusumite ng entry hanggang sa ika-27 ng Setyembre ngayong taon.
Maliban sa song writing competition inilunsad din ang Tatak Binalonan Merch Design Competition kung saan ang magwawagi ay tatanggap ng 2,500 hanggang 5,000 pesos.
Layunin ng mga nasabing kompetisyon na maipamalas ng mga residente ang kanilang malikhaing kaisipan kasabay ng pagdiriwang ng Tourism Month. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments