𝗨𝗕𝗒 𝗔𝗧 π—¦π—œπ—£π—’π—‘, π—žπ—”π——π—”π—Ÿπ—”π—¦π—”π—‘π—š π—¦π—”π—žπ—œπ—§ 𝗑𝗔 π—‘π—”π—œπ—§π—”π—§π—”π—Ÿπ—” π—‘π—š 𝗕π—₯π—šπ—¬. π—–π—¨π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—•π—”π—§

CAUAYAN CITY- Dahil sa init na panahon, kadalasang naitatalang sakit ng health center ng Brgy. Culalabat ay ang ubo at sipon.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Midwife 1 ng City Health Office 1 Marcelina Cumlat, mga bata ang kadalasang nakakaranas ng sakit na ito.

Aniya, bagamat maraming naitatalang kaso ng ubo at sakit sa Brgy. Culalabat ay iilan lamang ang nagtutungo sa kanilang tanggapan.


Sinabi pa nito na nagkakaroon ng kakulangan sa gamot ang kanilang opisina kung saan pinapapunta na lamang ang mga pasyente sa City Health Office 1 upang magpakonsulta at makakuha ng libreng gamot.

Samantala, nangako naman ang Barangay na maglalaan ng pondo para sa pambili ng gamot sa kanilang lugar.

Facebook Comments