CAUAYAN CITY – Umapela ang anim (6) na Ukrainian lawmakers sa Mongolia na ipatupad ang international arrest warrant na inisyu noong March 2023 laban sa presidente ng Russia na si Vladimir Putin.
Ito ay may kaugnayan umano sa nangyaring illegal at unlawful deportation ng mga Ukrainian children sa Russia sa kalagitnaan ng ginagawang pananakop ng Moscow sa mga kalapit na lugar.
Sa sulat na ipinadala ng Ukrain sa Mongolia, mababasa na hinihiling ng Ukrainian parliaments ang pagpapatupad ng nasabing arrest warrant para sa Russian president.
Parehong kabilang sa Rome Statue ng International Criminal Court ang Ukraine at Mongolia, kung saan sakop ng kanilang kapangyarihan ay Genocide, Crimes against humanity, War crimes, and Crime of aggression.
Ayon naman kay Oleksandr Merezhko, pangulo ng Ukrainian parliament’s foreign affairs committee, malaki ang kanyang tiwala na ihaharap ng Mongolia si Putin sa International Criminal Court.