𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗘𝗡𝗩𝗜𝗥𝗢𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗖𝗣, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡

Pinabulaanan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Pangasinan Provincial PIO Chief ang isyu ukol sa umano’y epekto sa environmental sektor ng isinasagawang pagputol ng puno para sa sisimulan nang Pangasinan Community Park sa Capitol Grounds, sa bayan ng Lingayen.

Umani ng iba’t-ibang ibang reaksyon mula sa mga kababayang pangasinense ang facebook post na naputol nang mga puno

Anila, sayang daw ang punong dating pinagsisilungan ng mga turista at Pangasinense.

Pangamba rin daw ng mga ito ang maaaring maging epekto ng pag-alis ng mga puno sa kapaligiran.

Sa kabila ng mga sentimyento, ipinahayag ni Pangasinan PIO Chief Dobbie De Guzman na walang kinalaman ang pagpuputol ng mga puno sa magiging lagay ng nasabing sektor, na mismong kinumpirma rin ng pamunuan ng DENR.

Dagdag pa niya na kung mapagsisilungang mga puno ang isa sa ibinabatong opinyon, tiniyak nito na hindi mawawala at napapalibutan ang naturang atraksyon ng mas marami pang puno bilang bahagi rin sa adhikain ng gobernador ng Green Canopy Program o isang proyektong nagtataguyod ng environmental protection ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments