𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭

Pinabulaanan ng Police Regional Office 1 na Walang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa buong rehiyon.

Ito ay sa kabila ng mga napapabalitang mga personalidad mula sa Pangasinan na sangkot di umano sa operasyon at idinadawit sa congressional hearing.

Ayon kay PRO1 Regional Director Police Brigadier General Lou F. Evangelista, walang ano mang POGO operation sa rehiyon at nagpapasalamat umano sila na walang ganitong klase ng kalakaran dahil mas naitutuon sa pagpapaigiting ng anti-criminality ang mga law enforcement operations.

Ayon na rin sa direktiba ng National Headquarters nang magkaroon ng pagpupulong ang kagawaran kasama ang NAPOLCOM ay minomonitor na nila upang ma-locate kung mayroong mga POGO operations sa rehiyon.

Samantala, sang-ayon din ang opisyal sa POGO Ban sa bansa dahil mas marami ang naidudulot nitong kapahamakan sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments