𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗧𝗢𝗥𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

Mariing itinanggi ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office (PANGPPO) ang kumakalat na paratang sa social media ukol sa umano’y pang-aabuso ng pulisya sa Isang nahuling suspek sa Isang krimen sa San Manuel, Pangasinan.

Sa Isang post ng kaanak ng di umano’y suspek, iginiit nito ang maling pag-aresto ng kapulisan kung kaya’t nanghina ang suspek.

Sa Isang magkahiwalay na post sa social media ng kaanak nito, ipinapakita ang sitwasyon ng suspek sa loob ng kulungan na hindi makabangon dahil sa di umano’y pangbubugbog ng ilang pulis.

Ayon sa pahayag ng PANG PPO, nagpumiglas ang suspek matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation noong August 5 sa Sitio Bomboaya, Brgy. San Bonifacio sa bayan kung saan nahulihan ito ng illegal na droga at drug paraphernalias.

Dagdag pa ng tanggapan, maliban sa ito ay suspek sa illegal na droga ay siya ay kasalukuyang kasong attempted murder sa nangyaring shooting incident noong nakaraang buwan. Giit ng mga PANG PPO na walang naganap na torture sa suspek kung saan patunay dito ang resulta ng kaniyang medical examination.

Lumalabas sa isinagawang drug test ng Pangasinan Forensic Unit positibo sa methamphetamine hydrochloride o shabu ang ihi ng suspek.

Samantala,sa magkahiwalay na pahayag sinabi ng Police Regional Office na nire-assign at na-relieve na ang mga sangkot sa insidente habang gumugulong ang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments