Kinumpirma ng Department of Agriculture Region 1 na nakapagtala ng unang kaso ng african swine fever ang rehiyon sa Brgy. Puzon, Rosario, La Union.
Bilang protocol, 182 baboy ang sumailalim sa mandatory culling operation sa 500-meter radius mula sa ground zero.
Pahayag ni Regional ASF Coordinator Dr. Alfredo Banaag, hindi maaaring isagawa ang selective culling dahil baka ilabas sa lugar ang baboy na wala pang sintomas at maari pang maging source ng ASF sa ibang barangay o bayan.
Labing limang hog raisers ang apektado dahil umabot pa sa karatig barangay ang mandatory culling operation.
Sa talaan ng National ASF Prevention and Control Program, 29 bayan ang apektado pa rin ng ASF sa Region 1. Sa Pangasinan, kabilang dito ang Alaminos City, Mangatarem, Anda, Sta. Barbara, Bolinao, Sual at Urbiztondo ang nasa red zone.
Bilang paghihigpit, mga baboy na nasa labas ng 500-meter radius lamang ang maaaring katayin sa slaughter house at ipagbili sa mga pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨