Cauayan City – Pormal ng ipinasakamay kahapon, ika-28 ng Mayo sa Cauayan City Police Station ang kauna-unahang Mobile I-Poste sa buong Rehiyon Dos.
Ang naturang Mobile I-Poste ay nanggaling sa Filipino-Chinese Chamber of Commerce na pinamumunuan ni Ginoong Winnie B. Pua.
Malaking tulong ang Mobile I-Poste sa mga kapulisan ng lungsod ng Cauayan partikular na sa mga patrollers dahil kanila itong magagamit bilang masisilungan sa panahon man ng init at tag-ulan.
Bukod pa rito, magagamit rin ng Bamboo Cops ang Mobile I-Poste kapag may mga aktibidad sa lungsod ng Cauayan kung saan maaari itong ilagay sa lugar na madaling makita ng mga mamamayan ng lungsod ng Cauayan sakali man na kailangan nila ng tulong ng mga awtoridad.
Sa naging mensahe ng Chief of Police ng Cauayan City PS na si Police Lieutenant Colonel Ernesto Nebalasca Jr., labis itong nagpasalamat sa Filipino-Chinese Chamber of Commerce dahil sa kanilang mainit sa suporta sa hanay ng kapulisan ng lungsod ng Cauayan.