𝗨𝗡𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗘𝗫𝗧𝗥𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗪𝗔𝗟𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬 𝗞𝗪𝗜𝗡𝗘𝗦𝗧𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥

Kinuwestyon ni Binmaley Vice Mayor Simplicio Rosario ang umano’y quarrying o unauthorized extraction ng buhangin sa kahabaan ng Baywalk sa Brgy. Buenlag sa bayan.

Ito ay matapos ibahagi ni Vice Mayor Simplicio Rosario kamakailan lamang na Sangguniang Bayan Session na labag sa batas ang paghahakot ng buhangin mula sa dagat na ipinangtatabon sa mga paaralan at barangay.

Labag umano ito sa environmental code maliban na lamang kung mayroong kaukulang permit mula sa DENR.

Sa panayam naman ng iFM News Dagupan kay Binmaley Mayor Pedro Merrera III, nanindigan ito na walang ilegal sa kanilang ginagawang paglilinis at pagtanggal ng namuuong buhangin sa baywalk.

Madalas din umanong ireklamo sa kanilang tanggapan na bumabara sa drainage system ng seawall ang buhangin kaya nagkakaroon ng pagbaha sa baywalk.

Samantala,iginiit naman ng bise alkalde na nais nitong siguraduhing walang nalalabag na batas ang pagkuha ng buhangin sa baywalk.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments