𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗔 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗥𝗜𝗔𝗗𝗔 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟

CAUAYAN CITY- Aarangkada ang Una Ka Dito Caravan sa kapistahan ng Cariada Festival sa Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Raymond Calimag, isasagawa ito sa kanilang ikalawang araw ng pista sa ika-24 ng Agosto.

Aniya, pitong barangay ang mabebenepisyuhan ng nasabing Caravan na kinabibilangan ng Brgy. San Luis, Union, Andarayan, Bugallon, Villa Luna, San Pablo, at Cassap Fuera.


Kabilang sa mga serbisyong ihahatid sa aktibidad ay ang mga serbisyong medikal para sa mga nangangailangang mamamayan ng mga nabanggit na lugar.

Samantala, tampok naman sa Cariada Festival ang patimpalak sa mga Ginang o Nanay kung saan walong kandidata ang kasali rito.

Facebook Comments