Friday, January 16, 2026

𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗔 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗔𝗟𝗟 𝗢𝗡 𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟𝗦, 𝗔𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝟭, 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Muling aarangkada ang Una Ka Dito City Hall on Wheels na gaganapin bukas January 17, 2026 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Barangay District 1 Community Center.

Ang aktibidad ay eksklusibong para sa mga residente ng District 1, kung saan iba’t ibang libreng serbisyong pang-gobyerno ang ihahandog upang mas mapadali at mapabilis ang pagkuha ng tulong at dokumento ng mga mamamayan.

Kabilang sa mga serbisyong ilalaan ay libreng gamot, medical at dental check-up, social welfare assistance, libreng legal services, libreng estimation ng halaga ng ari-arian, scholarship assistance, at tulong sa pagkuha ng City ID, bukod pa sa iba pang serbisyong panlungsod.

Pinapayuhan ang mga interesadong residente na magdala ng alinman sa mga sumusunod na dokumento upang makapag-avail ng kinakailangang serbisyo, Cauayan City ID para sa financial assistance at medical services, anumang government-issued ID, Voter’s ID o voter’s identification number para sa City ID application, cedula, barangay clearance, barangay indigency form, medical abstract, at reseta ng doktor para sa libreng gamot.

Layunin ng City Hall on Wheels na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga barangay, lalo na sa mga mamamayang nahihirapang pumunta sa city hall, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maghatid ng maagap, at makataong serbisyo para sa lahat.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments