𝗨𝗡𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗠𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘

Hindi na bumibiyahe ngayon ang mga unconsolidated jeepneys sa lalawigan ng Pangasinan, makaraang matapos ang 15-day grace period na ibinigay ng LTFRB, hanggang 15 ng Mayo.

Ayon sa One Pangasinan Transport Federation, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa 37 jeepneys na unconsolidated sa eastern Pangasinan, pagtataya nila ay hindi na umano interesado ang mga ito sa nasabing programa.

Samantala, hindi naman umano apektado ang sektor ng transportasyon sa lalawigan dahil halos lahat naman ay nakapag consolidate na, gayundin ay mayroon ding alternatibong sasakyan ang ilang mga komyuter.

Sa Pangasinan, 99% consolidated ang mga jeepneys, samantalang aabot naman sa mahigit 200 na jeepney ang hindi nakapag consolidate sa kalakhang Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments