Inihayag ng Police Regional Office 1, na naging mayapa ang paggunita ng Undas 2024 sa buong Rehiyon Uno.
Ayon kay PRO1, Regional Director Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista, walang naitalang anumang malaking insidente sa pagdaraos ng Undas sa Region 1.
Alinsunod sa Ligtas Undas 2024 ng pamunuan, pinag-igting ang police visibility, pagpapatrolya, pagtatalaga ng mga kawani sa iba’t-ibang bahagi at ang emergency response para antabayan ang naging dagsa ng publiko.
Tiniyak naman ng hanay ng kapulisan na magpapatuloy ang pag-antabay at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kalakhang Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments