Tinututukan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Provincial Ordinance 299-2023 o ang βThe Underground Cabling Ordinance of the Province of Pangasinan” na nais maisakatuparan sa lalawigan.
Sa naganap na session sa SP, naimbitahan ang mga Telecom Companies upang makibahagi sa planong pagpapatupad ng nasabing ordinansa.
Tinalakay ang mga kaalaman at isyung nakapaloob dito, kabilang ang pagmumungkahi ng mga opisyal sa mga hakbanging mas makatutulong kaugnay dito.
Layon ng nasabing ordinansa na maiwasan ang anumang aksidente na may kaugnayan sa mga patong na patong na kableng gamit para sa koneksyon maging ang paghihikayat sa telco companies na maging kaisa sa isinusulong na underground cabling sa probinsya. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments