
Cauayan City – Nakibahagi sa nagpapatuloy na pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month ang mga UNESCO accredited organizations sa lalawigan ng Isabela.
Sa ginanap na programa ngayong araw, ika-21 ng Marso sa SM City Cauayan, nagtipon-tipon ang mga mag-aaral na miyembro ng iba’t-ibang organisasyon sa Isabela partikular na ang mula sa Isabela State University Cauayan City Campus at Echague Campus, maging ang mga miyembro ng UNESCO Network sa bansa.
Tampok sa nabanggit na aktibidad ang iba’t-ibang usapin tungkol sa Women Empowerment katulad na lamang ng Women Leadership and Decision-making, at Treat Barriers as Structure, Cultural, and Psychological.
Layunin ng talakayan na mas mapalawak pa ang kaalaman ng lahat tungkol sa papel ng kababaihan sa lipunan, mga issues na madalas nilang kaharapin, at kung paano ito masolusyunan.
Samantala, dumalo rin bilang Keynote Speaker si Miss Universe Philippines – Isabela 2025 Jarina Sandhu kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng papel ng kababaihan sa ating lipunan. Hinikayat rin nito ang lahat ng kababaihan magtiwala sa kung ano ang kaya nilang gawin bilang isang babae, at tumindig para sa kanilang sarili at mga karapatan.










