Personal na dinaluhan ng iFM Dagupan ang selebrasyon ng Panpacific University kung saan tinalakay ang nakamit na achievements sa pamamagitan ng kanilang best practices upang makamit ang internationalization marking. Bahagi rin ng pagtitipon ang paglulunsad ng kanilang IZN at SDG CORNER.
Makikita sa corner nila ang international participation ng mga estudyante, mga iba’t ibang bansa na napuntahan at mga implementasyon ng planong nagawa bilang exchange students, teachers, researches ng kanilang sustainable policies.
Ito’y dinaluhan din ng iba’t ibang educators gaya ng Romblon State University, Thailand, Midas.
Sa nasabing benchmarking binigyang diin na bukas ang kanilang paaralan sa collaboration sa ibang institution para mas mapataas ang antas ng edukasyon sa world ranking o kabahagi ng internationalization.
Mula sa iFM Dagupan, Congratulations! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨