𝗨𝗥𝗕𝗔𝗡 𝗚𝗔𝗥𝗗𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡

Isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Infanta ang Urban Gardening bilang tugon sa malnutrisyon.

Sinuportahan ng Agricultural Training Institute Regional Training Center 1 ang naturang proyekto nang mapakinabangan ang mga bakanteng espasyo sa komunidad.

Sa pagsisimula ng programa, nabahagian ng punla ng kamatis, talong, upo at pipino ang ilang pamilya at residente na malapit sa nursery site sa Sitio Marindimgin Patima sa bayan.

Bukod dito, layunin ng programa na matiyak ang produksyon ng pagkain sa sambahayan at maitaguyod ang malusog na kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments