Inaasahan na magiging first-class municipality ang bayan ng Urbiztondo matapos tumaas ang local income nito.
Ibinahagi ni Urbiztondo Mayor Modesto Operania na pasok sa klasipikasyon bilang first-class municipality ang bayan kung ibabase sa local income ayon sa itinakda ng Bureau of Local Government Finance o BLGF.
Umano’y sa P 218,236,188 ang naitalang local income ng Urbiztondo noog 2023, higit pa sa kinakailangang requirement para maging first class municipality.
Nakasaad sa RA 11964 o ang batas na nagtatakda ng awtomatikong income classification ng mga bayan kung saan, P160, 000,000 ang kinakailangang local income ng isang bayan upang maging ganap na second-class municipality, habang P2,00 000,000 naman ang requirement na local income para sa kategoryang first-class municipality.
Ayon sa alkalde, hinihintay na lamang ang sertipikasyon at official confirmation mula sa BLGF ukol dito upang maging ganap na first class municipality ang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨