𝗩𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗚𝗟𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa kamakailan ang validation para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Regional Assessment Team nito sa lokal na pamahalaan ng Manaoag.

Sa isinagawang balidasyon, isinaad ni LGOO VII/Cluster Leader Hermogenes L. Soriano Jr. na ‘potential passer’ umano ang bayan para sa SGLG na pinagsisikapan umano nitong makamtan.

Samantala, ibig sabihin ng naturang pahayag na sila ay passado at handa para sa national level ng validation ng SGLG, na nakatakdang isagawa sa buwan ng Setyembre.

Ilan na lamang sa sinuri ng validation team ang Material Recovery Facility (MRF) at Regional Evacuation Center, pati rin ang flood-prone areas sa isang barangay sa bayan, gayundin ang Rural Health Unit, Tourism at ang Presidencia rito.

Samantala, lubos at mabusisi ang naging paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng alkalde ng bayan para makamtan ang nasabing selyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments