𝗩𝗔𝗡 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗞𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦, 𝟭 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng sugat sa paa ang isang pasahero ng close van truck matapos itong sumalpok sa likod ng Florida bus sa kahabaan ng Magsaysay, Cabatuan, Isabela bandang alas kwatro kaninang umaga Enero-8, 2024.
Kinilala ang driver ng van na si Argel Vendivel, residente ng Brgy. Bardias, San Miguel, Bulacan habang ang sugatang pasahero naman nito ay si Allan Raymon Lorenzana.
Sa ulat ng PNP Cabatuan, magkasunod na tinatahak ng bus at van ang parehong direksyon patungong Cabatuan proper.

Pagdating sa lugar, huminto ang bus upang magbaba ng pasahero ng biglang bumangga sa likod nito ang Van.
Dahil sa impak, nagtamo ng sugat sa paa si Allan na kaagad namang dinala sa ospital.
Sa ngayon, inaalam pa ang kabuuang halaga ng napinsala sa dalawang behikulo.
Facebook Comments