𝗩𝗘𝗧𝗘𝗥𝗔𝗡𝗦 𝗪𝗔𝗥𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔

Binuksan at operational na ngayon ang Veterans Ward sa Region 1 Medical Center (R1MC), matapos itong pormal na pinasinayaan noong ika-10 ng Enero.

Katuwang ang Philippine Veterans Affair Office (PVAO), naisakatuparan ang naturang 15-bed capacity ward na tutugon sa mga pangangailangang medikal ng mga World War Veterans, maging ng kanilang mga kapamilya.

Ani Reynaldo Mapagu, Undersecretary ng PVAO, nais nilang mapalawig pa ang sakop ng kanilang serbisyo para sa mga beterano, lalo na at karamihan sa mga ito ay hindi na kayang magkaroon ng access sa Veteran Memorial Center sa may lungsod ng Quezon sa Maynila.

Samantala, ang naturang veterans ward ay ang ikatlo pa lamang sa uri nito sa kalakhang Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments