𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗔𝗟, 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗡𝗨𝗡𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Itinalaga, kahapon si Vice Mayor John Christopher Arcinue na manungkulan bilang Mayor sa bayan ng Sual.

Sa bisa ng EO No. 045, itinalaga ni Mayor Dong Calugay si Arcinue na manungkulan mula September 9 hanggang September 13 dahil umano sa medical concerns.

Ang acting mayor ay maninilbihan at gagampanan ang tungkulin ng isang alkalde sa bayan.

Samantala, matatandaan na si Mayor Dong Calugay ay hindi nakasipot ng dalawang beses nang ipatawag ito sa pagdinig ng senado sa kaso ng illegal POGO activities dahil sa dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments