𝗩𝗜𝗘𝗧𝗡𝗔𝗠𝗘𝗦𝗘 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡-𝗕𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔, 𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Death Penalty ang ipinataw na kaparusahan sa isang bilyonaryang si Truong My Lan dahil sa pagkakasangkot nito sa 304 trillion dong o $12.5 billion financial fraud case.

Ayon sa report, nagsimula ang pagdinig sa kaso ni Lan noong Marso 5 at nitong buwan lamang ng Abril lumabas ang desisyon ng korte.

Matapos ang paglitis, napatunayan na si Lan, chairwoman ng real estate developer na Van Thinh Phat Holdings Group, ay nagkasala sa paglustay, panunuhol at mga paglabag sa mga banking rules sa pagtatapos ng trial sa business hubs sa Ho Chi Minh City.


Gayunman, bumwelta naman dito ang pamilya ni Lan at nagsabing aapela ang mga ito laban sa sentensiya.

Kaugnay nito, nasa 84 na defendants sa kaso ang senentensiyahan mula sa probation sa loob ng tatlong taon hanggang sa habambuhay na pagkakakulong.

Facebook Comments