Walang dapat ipangamba ang mga motorista na dadaan umano sa Villa Verde Road matapos ang ilang insidente ng landslide na naitala noong nakaraang araw.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay PDRRMO Operations and Training Head Vincent Chui, nakapagtala ng landslide sa bahagi ng Villa Verde Road noong kasagsagan ng bagyong marce kung saan isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1.
TIniyak naman ni Chui na laging naka standby ang equipments ng MDRRMO para sa agarang road clearing operation upang hindi magdulot ng abala sa mga motorista.
Kaugnay nito, patuloy na pinag-iingat ng tanggapan ang lahat ng motorista at maging alerto tuwing bumabyahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments