Isinagawa ang Voter’s Education at demonstration ng Automated Counting Machine sa isang unibersidad sa lungsod ng Dagupan kahapon bilang paghahanda sa May 2025 Midterm Elections.
Ito ang kauna-unahang ACM Demonstration sa buong North Luzon kung saan naipakita ang mga bagong security features ng makinang gagamitin para sa darating na election na pinangunahan mismo ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia.
Lumahok sa naturang Voter’s Education and Registration Fair ang mga mga estudyante, Senior Citizens at PWDs.
Nasa higit isang libong Pangasinense maging mga residente mula sa mga lalawigan ng La Union at Ilocos Sur ang nakasaksi ng paggamit ng automated counting machine upang matugunan ang mga agam agam at katanungan ng publiko kung counted nga ba ang mga botong inihahain. Samantala, sa Pangasinan, mayroong nang higit dalawang milyong Pangasinense ang rehistrado sa COMELEC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨