Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa publiko na maging mapanuri sa mga iboboto sa 2025 Midterm Election.
Inihayag ito ng Bise presidente matapos pangunahan ang pamamahagi ng dalawang libong gift packs sa Lingayen, Pangasinan bilang bahagi ng ika-89 Founding anniversary ng Office of the Vice President.
Ayon kay Duterte, malapit na ang eleksyon at kinakailangan may tatlong ikonsidera sa pagpili ng iboboto dahil karamihan umano sa nangyaring korapsyon ay nasa loob mismo ng gobyerno.
Binanggit nito na suriing mabuti ang mga ipinapangako ng mga kumakandidato. Kinakailangang tingnan kung natupad ba ng mga ito ang kanilang mga ipinangako noong sila ay nangangampanya pa lamang.
Sinabi rin nito na huwag magpapadala sa pagbili ng boto at huwag iboto dahil lamang galing sa pamilya ng politiko.
Binigyang diin ng opisyal na matagal nang panahon umano na sinasabihan ang Pilipino kung sino ang iboboto kung kaya’t Oras na upang gamitin ang kakayahan sa pagboto upang iluklok ang mga nararapat sa pwesto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨