Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pamamahagi ng Gift Packs sa mga Pangasinense sa bayan ng Lingayen, kahapon.
Nasa dalawang libong residente na kabilang sa vulnerable sector ang nabenepisyuhan ng mga ibinigay na groceries, bigas at iba pa mula sa Office of the Vice President.
Bahagi ang naturang aktibidad sa ika-89th Founding Anniversary ng Office of the Vice President.
Mensahe ni VP Sara sa publiko, tututukan ang seguridad, edukasyon at korapsyon, hindi lamang ng gobyerno maging ang buong sambayanang Pilipino.
Hinimok nito ang mga Pangasinense na maging matatag upang patuloy na maitaguyod ang mas maunlad na bansa para sa bawat mamamayang Pilipino.
Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa tanggapan ng OVP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments