Tututukan ng barangay council ng Bued at San Miguel, Calasiao ang waste management at segregation matapos makatanggap ng kagamitan mula sa Department of Agriculture Region 1.
Kabilang sa mga naipamahagi na waste management equipment ay rotary composter at biomass shredder machine upang magiling at maaring maging abono ang mga nakokolektang basura.
Sinimulan nang gamitin ito matapos sumailalim sa orientation ang mga personnel na inatasang mag-operate.
Kaugnay nito, hinihikayat ang mga kabahayan sa bayan na makiisa sa Kalinisan Day na isinusulong ng lokal na Pamahalaan upang maiwasan ang mga dumi na maaring pagmulan ng anumang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments